Thursday, December 08, 2011

Happy 5th Week sa Pirata Pinoy!


Sa ating ika-limang linggo, meron na tayong:

98,428 na taong napasaya
18 videos na pinagparausan
10 posts ng mga tao o bagay na nilait at nilapastangan
3 posts ng mga tao o bagay na pinuri at pinalakpakan
2 blind items ng mga walang hiya
2 letter senders na binigyang-linaw ang pag-ibig.

at limang followers, hahaha!

Aba, kahit mukhang maliit lang ang mga numero na yan, malaki na yan para sa kakabukas pa lang na blog! Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga natutuwa at sumusuporta! Nakakataba ng puso ang mga feedback na nakukuha namin sa inyo!

Umasa kayo na marami pa tayong pagsasamahan, lalaitin, pagpaparausan at marami pang iba!

Mahalaga kayo sa amin kaya kung kayo ay may suggestion, contribution, violent reactions at marami pang iba, nagkalat ang ating forms. May Facebook comment sa kanan, may mga comment forms sa itaas (pwedeng anonymous), at kung gusto niyo naman, maari kayong magemail sa piratapinoyblog@yahoo.com.

P.S. Kung nagtataka kayo kung anong konek ng litrato ni Piolo sa taas, ang sagot ay wala. Gusto lang namin i-post yan pero wala kaming mailagay na caption, hahahaha!

WE LOVE YOU!