Monday, November 07, 2011

Letter-sender: Jane Pazda

dear pirata tagapayo,


ngka bf aq.at minahl q xa ng lubusan.tnggap q n single dad xa at tnggap q n mlaki agwat ng aming edad.sbi nga nila,'age d0esn't matter'.nngarap kami at ngplan0 s bwat isa.s0brang saya q s knya.kc alm q mhal nya aq..pro 2years at 4m0nths lng kami.ng break din kami.kc hnintay q xa s pinas pra maisgawa n un mga pngarap nMin at pra mgksama n kami.n0ng dmating xa ng pinas never nya aq kin0ntak.kh8 tx w£a.mhigit isang buwan q hnantay n twagan o e tx lang man nya aq kso w£a eh.hngang s bumalik aq s abr0ad.n0ng mg 2m0nths n tx nya aq.ngpaliwnag xa.pro reas0n lng nya naiwn dw nya cp nya s taxi.an bAbaw ng reas0n n0?pro may namuo ng galit s dibdib q.galit n galit aq s knya kso mhal q p rn xa.gs2 kung ipramdam s knya kung gan0 kasakit an ginawa nya sakin kaso ayaw q xang nki2tang nsasaktan.pnilit kung kalim0tn xa kaso hirap aq.hanggang sa may nakilala ak0ng guy.maba8 sya,gentle man.g0sto nya ako.naisip ko na kailangan kung ituloy ang buhay ko.ituloy kasama an lalakeng nagma2hal skin.fuc0s n ako s kanya.hanggang s nahulog an loob q s knya.pero,un pala an iniisip nya ginagawa q xang panakip butas.wala nMn ak0ng inilihim s knya.sinabi q s knya 2ngkol s nakaraan ko.sabi nya skin tanggap daw nya.past is past.nd p£a!at e2 hurt nMn ako ulit.minsan prang gusto ko ng sumuko.gusto kung mag isa.kaso an hirap mag isa.kailan pa kaya aq sasaya ulit?


jane pazda


Dear Jane,

Unang una, sasaya ka lang ulet aayusin mo ang pagsusulat mo. Sumakit ang ulo ko, promise. Next time ayusin mo dahil nakakainit ng ulo. Hindi ako natutuwa. Mainit na ang ulo ko.

Seriously, malaking responsibilidad ang makipag-relasyon ka ng 2 years 4 months sa isang single dad. Yung mga ganyang lalake, hindi pa-tweetums ang hanap niyan dahil tapos na siya sa stage na yan. Sa totoo lang, ang hanap niyan ay possible mother of his child. Saludo ako at tumagal kayo ng 2 years 4 months. Sa pagkaintindi ko, dahil anlabo mo talagang magsulat, magkalayo pala kayo. Again, saludo ako. Pero kahit saludo ako sayo, tanga ka. Kung hindi siya nagparamdam ng 2 months, bakit hindi ka gumawa ng paraan? Tanga ka rin eh. Unang linggo pa lang na hindi siya nagparamdam, dapat gumawa ka na ng paraan. Kung wala talaga, yun na ang sagot mo at hindi ka na sana nagsayang ng oras.

Nung nakakilala ka naman ng bago, kerengkeng ka din. Tama yung ginawa mo na honest ka. Sinabi mo yung nakaraan mo, normal yon. Pero sa tingin ko hindi naman siya makakaramdam na panakip-butas siya kung hindi mo pinaparamdam. Malamang madalas mong banggitin yung ex mo kaya siya nairita. Ako man yon, bibigyan kita ng mag-asawang sampal.

So tinatanong mo kung kelan ka sasaya ulet? Nasa sayo yan. Bibigyan kita ng huling thoughts na dapat mong pag-isipan. Hindi kaya minsan isipin mo na baka may mali din sayo at bakit yung sinisisi mo ang iba? Kapag nasagot mo yan, at natanggap mo ang sagot mo, doon ka palang sasaya ulit.

Sa totoo lang,

Pirata Tagapayo