Third year college na kmi ngyon at nagkakagusto ako ngayon sa classmate ko na guy. I don't know kung tama ba na magkagusto sa kapwa lalaki pero ang alam ko is gusto ko na siya, mahal na yata eh. Siya lang yung nandiyan nung may problema ako, during confusion sa life. I don't know rin kung bi rin ba siya o anu.
He gave me some signs na makapagpaisip sa akin na parang bi rin siya. Gaya ng kiss daw ako sa isang barkada nmin, before kami naman ung magkiss (which is nabigla ako). Tapos nung nagtagay kaming anim, nagpa-picture siya sa akin na kunwari daw hahalikan ko siya. Ewan ko ba kung bakit ako lang ang napagtripan nya. Tapos after nun siya lng nagsabi na ibabahay daw ako ng isang kaibigan namin. Sabihin nating joke lng yun pero yun nga parang napapaisip ko na bi rin siya. I'm not sure nga lang po.
Nakakatawa nga e, kami lang dalawa ang hindi mrunong mag basketball sa P.E! lol!
Mas mabuti nga siguro na hindi ko na ipaalam at kalimutan ko itong nararamdaman ko. Pero ang hirap!
Ang ginagawa ko ngayon is yung iniiwasan ko na lng siya na mag usap kami ng matagal o d ko na
siya lagi kakausapin. Anim kasi magkakabarkada all boys. Tama ba yun?
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya kaso hindi ko magawa baka kasi mawala pa siya, pagtawanan nya ako, hindi nya tanggapin, at hindi na niya ako kakausapin.
Need help!
Mahalnayatakita
---
Dear Mahalnayatakita,
Gusto ko lang pansinin ang pagsulat/pagtype mo ng letter. Maayos siya in fairness! Ganyan nga. Palakpakan ka! Ayoko kasi ng Jejemon nsa sulat, nakakainit ng ulo.
Tungkol sa problema mo, normal lang naman na magkagusto ka sa kaibigan lalo na kung close kayo. Pero NEVER ASSUME kung bi siya or straight. You need to know the facts first before you make a move. Dalawa lang ang maaaring mangyari kung hindi mo iingatan ang next move mo. Kung desidido ka na na sabihin sa kanya pero:
Straight talaga siya: Ang mangyayari, iiwasan ka niya at maaaring hindi lang siya ang umiwas sayo, pati yung ibang mga kaibigan mo pa.
Bi siya: Hindi din assurance yon na tanggapin ka niya agad. Maswerte ka if he feels the same way, pero hindi ibig sabihin na bi din siya ay lisensya na yon para maging kayo agad. Pinaplano yan.
Mali na iniiwasan mo siya. You're giving a very bad signal. You need to be more careful. Hindi porke may mga sinyales na bi siya or nagpapakita siya ng motibo ay yun na agad yon. Maaaring nakikita mo lang ang mga bagay na gusto mong makita at binibigyan mo yon ng kahulugan. I'm not also telling you na tanungin siya in his face. Bibigyan kita ng magandang plano. Nasa sa iyo kung susundin mo.
Una, patunayan mo muna na bi siya. Maaring hulihin mo kapag nag-iinuman kayo. Pwede rin yayain mo uminom na kayong dalawa lang. Medyo biruin mo ng gay jokes. Tanungin mo siya kung nagkaron na ba siya ng gay or bi encounter... Makikita at malalaman mo sa mga sagot niya ang sagot na hinahanap mo. Pangalawa, kapag nalaman mo na bi siya, maganda yon pero hindi mo agad dapat ilapag ang baraha mo. Maging close ka pa lalo sa kanya. Gawin ninyong sikreto yung sikreto niyo. Pwedeng umamin ka din na bi ka pero hindi mo sasabihin na may gusto ka sa kanya agad. Unti-intiin mo. Makiramdam ka kung sa tingin mo interesado siya, saka ka palang bumanat.
Pero...
Kung nakita mo naman na straight talaga siya, huwag ka magbulag-bulagan. Huwag na huwag kang aamin, mahalin mo nalang siya in your own way. Yan ang masakit na katotohanan kasi kapag umamin ka, lalo siyang mawawala sa iyo. Pero don't get fixated on him. There are other fishes on the sea. Bata ka pa, makakakita ka pa ng iba.
Naging interesado kami sa sulat mo. Sana balitaan mo kami sa mga susunod na mangyayari sayo at kung ano naging desisyon mo.
Pirata Tagapayo
Kailangan niyo din ba ng payo? Ipadala ninyo din sa akin ang inyong katanungan. Click here!